December 25, 2024

DELA ROSA SUPORTADO ANG DAGDAG-PONDO SA DHSUD, MARAWI

NAGPAHAYAG ng buong suporta si Senator Ronald ‘Bato’ Dela Rosa na dagdagan ang budget ng housing department gayundin sa reconstruction at rehabilitasyon na ng Marawi City upang matiyak ang isang disente at permanenteng tirahan para sa lahat ng mga Filipino.

Sa kanyang manipestasyon sa Senate public hearing ng proposed budget ng Department of Human Settlement and Urban Development (DHSUD) sa ilalim ng General Appropriation Act of 2021, binigyang diin ni Dela Rosa, na siyang chair ng Senate Special Committee on Marawi Rehabilitation, ang pangangailangan ng pondo para sa Marawi Rehabilitation Program ng pamahalaan, gayundin ang dagdag-pondo para sa DHSUD, ang ahensiya na namamahala sa Task Force Bangon Marawi.

“Mr. President, as the chairman of the Special Committee on Marawi Rehabilitation, I would like to manifest that I will give my support to any budget increase for the Marawi Reconstruction, Rehabilitation and Recovery Fund Program of the Department of Human Settlements and Development,” saad ni Dela Rosa.

Idinagdag pa nito oras na para pagsama-samahin ang pagsisikap mula sa iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan upang tulungan ang mga war victim na makapagsimula muli.

“It has been 3 years since the government declared liberation from the Maute group, which displaced thousands of families. Our brothers and sisters are still struggling for permanent shelter. Mr. President, no words can express my personal, and perhaps our collective frustrations on what happened to the bustling city of Marawi. But let us all channel these frustrations into collective action and aid our countrymen to stand up again and start anew,” wika Dela Rosa.

“I likewise express my full support on the subsidy increase of the housing agencies of the DHSUD. This will bridge the gap to the ballooning housing backlogs in the country. The COVID-19 highlights the need for a permanent house for every family where home schooling and work from home set up are now the “new normal,” paliwanag pa ng senador.

Ipinalala ni Dela Rosa sa task force na kailangan din ng mga resident eng mga pangunahing pangangailangan kapag nakabalik na sila sa kanilang mga tahanan bago matapos ang 2021.

“If you can remember, madam sponsor, nung nagpublic hearing tayo doon sa Marawi, hindi lang reconstruction ng kanilang pamamahay ang kanilang hinihingi ah, kundi dapat meron ding tubig, merong kuryente at basta lahat ng amenities para magiging livable yung kanilang pagbabalik dun sa MAA. So dapat, na-take note yan ng Task Force Bangon Marawi,” diin ni Dela Rosa.

Bukod sa COVID-19 pandemic, sinabi pa ni Dela Rosa na marami pang hamon ang kinakaharap ng mga Filipino nitong mga nagdaang buwan.

Iginiit niya ang kahalagahan ng permanteng tirahan para sa bawat pamilya at kilalanin ang papel ng pamahalaan upang makapagbigay ng maayos na tahanan sa mamamayan nito.
  “Amidst the COVID-19 pandemic, our country has likewise been continuously hit by typhoons, the most recent being typhoon Ulysses, which left thousands of homes in ruins, especially our kababayans in Bicol and Region 2,” aniya.