November 24, 2024

DELA ROSA SA PNP: KASO NG MGA PATAYAN RESOLBAHIN (Upang lumakas ang tiwala ng publiko)


Nanawagan si Senator Ronald “Bato” Dela Rosa sa puwersa ng pambansang pulisya na tiyaking malulutas ang mga krimen upang mapanatili ang tiwala ng publiko.

Isinagawa ni Dela Rosa ang naturang panawagan sa isang public hearing sa Committee on Justice and Human Rights at Committee on Public Order and Dangerous Drugs kaugnay sa mga nangyayaring patayan sa bansa.

Sa kanyang opening statement sa nasabing pagdinig, sinabi ni Dela Risa na may dalawang tungkulin ang PNP: ang crime prevention at crime solution. At bagaman hindi maiiwasan ang krimen sa lahat ng oras, dapat ituon ng pulisya ang kanilang pagsisikap na matiyak na mareresolba ang mga krimen.

“The policeman cannot be everywhere every time, pwedeng hindi niyo mapigilan ang krimen dahil wala kayo doon. But alam naman natin na merong diskarte dyan para mapigilan, through active enforcement…But as I have said, tanggap natin yan,” giit ni Dela Rosa.

“Pero itong pangalawa na crime solution ay dapat [kapag] nangyari na ang krimen, kailangan ma-solve natin. Otherwise, kung itong krimen na ito hindi  na natin na-prevent, afterwards hindi pa natin na-solve, malaking kwestyon sa taumbayan yan,” dagdag pa ng senador.

Binigyaang diin pa ng Senador, bilang Chairperson ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs, na maari pang pagdudahan ng mga tao ang pulis na sangkot sa pagpatay kung hindi niya iyon mareresolba.

“At meron pang additional na pagdududa dyan. Sasabihin nila baka may involvement ang pulis dito kasi hindi na napigilan, hindi pa na-solve. Kaya I advise you, ibuhos ninyo yung resources ninyo yung effort niyo, yung time, energy para ma-solve itong mga kaso na ito,” saad pa ng senador.

“Once these are solved, at least ma-satisfy ang taumbayan, ‘oh, na-solve na pala ang kaso.’ So hindi na sila magdududa na may involvement ang kapulisan dito dahil hindi na-solve. So yun lang ang advise ko sa inyo being one of your elders, focusan ninyo ito,” pagtatapos ni Dela Rosa.