Mas mabuti na umanong atupagin ng mga kabataan sakaling tuluyan maibalik ang Reserve Officers’ Training Corps o ROTC sa mga eskuwelahan kaysa sa ‘Tik-Tok’.
Ito ang naging reaksyon ni Sen. Ronald ‘Bato’ kaugnay sa mga reklamo ng mga kabataan laban sa ROTC sa halip na paghandaan ang pagbabalik nito.
“Iyong ating kabataan, instead na magsige reklamo, magsigeng TikTok-TikTok lang diyan, dapat ihanda natin ang ating kabataan para gampanan ‘yung kanilang constitutional duty na depensahan ang ating bayan sa panahon ng pangangailangan,” ani Dela Rosa.
Magugunitang gumugulong na sa Senado ang panukalang maibalik ang ROTC sa mga mag-aaral sa bansa.
Ayon pa sa senador, panahon na umano para madagdagan ang puwersa ng Pilipinas at maisulong sa mga kabataan ang pagka-makabayan.
BInanggit ni Dela Rosa ang patuloy na banta sa South China Sea at pag- angkin ng China sa ilang bahagi ng karagatan na sakop ng bansa. Kung mahina umano ang depensa, ay mahina rin ang bansa at maaari itong ma-bully.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA