November 1, 2024

DELA ROSA NAIS PANAGUTIN PAARALAN SA ANTI-HAZING LAW IMPLEMENTATION

NAIS ni Senator Ronald “Bato” Dela Rosa na bigyan ng pangil ang batas laban sa hazing sa pamamagitan ng pagpapanagot at pagpaparusa sa mga eskwelahan na mapapatunayan na nagkulang sa pagpapatupad ng batas, na nagdudulot ng matinding pinsala at maging kamatayan ng mga estudyante dahil sa hazing.

Ito ay naganap sa hearing noong Martes na isinagawa ng Senate Committee on Justice and Human Rights na pinangunahan ni Senator Francis Tolentino kasama ang Public Order and Dangerous Drugs panel na pinangunahan ni Dela Rosa tungkol sa pagkamatay sa hazing ni John Matthew Salilig, isang 24-anyos na chemical engineering student mula sa Adamson University (AdU).

Kasama ni Dela Rosa si Senador Raffy Tulfo sa pagsusumite na baguhin ang Anti-Hazing Act of 2018 upang parusahan ang mga negligent school administrators matapos malaman sa hearing na walang orientation ang ibinigay ang Adamson University sa mga nakakulong naTau Gamma Phi members na kasangkot sa Salilig’s initiation rites noong nakaraang buwan.

Dagdag pa rito, walang permit na nakuha ang Tau Gamma Phi mula sa AdU para sa kanilang initiation rites. Sinabi ng fraternity na hindi nila alam na ito’y isang requirement ng Anti-Hazing Law. Ang Tau Gamma Phi ay itinuturing na ‘illegal’ ng unibersidad dahil sa kabiguan na magparehistro at hindi pagsunod sa patakaran ng walang pakikipag-ugnay para sa mga organisasyon na ito.

 “I agree with Senator Tulfo na ‘yung amendment niya na gagawing mas mabigat na penalty, dapat ipapataw sa eskwelahan dahil hindi nila ginagawa ‘yung kanilang loco parentis doon sa estudyante,” saad niya.

Ang ibig sabihin ng ‘loco parentis doctrine’ ay ang pananagutan ng isang magulang sa isang anak ay parehong responsibilidad ng paaralan sa mga estudyante nito.

“Kung ayaw ng parents na mamatay ‘yung bata na anak niya, or ayaw niyang maging miyembro ng CPP-NPA (Communist Party of the Philippines-New People’s Army) ‘yung anak niya, ‘yun din, responsable rin ang school do’n na hindi dapat mapunta sa CPP-NPA ‘yung anak [estudyante] niya. Parang gano’n,” ayon sa senador.

Ayon kay Dela Rosa na ang pag-amyenda sa Anti-Hazing Law ay ang wastrong procedure dahil habang nakasaad sa batas na “ang mga paarawan ay dapag magsagawa ng orientation briefing sa mga miyembro ng isang fraternity o sorority tuwing magbubukas ang semester o trimester sa lahat ng mga estudyante,” mayroong hindi napapanagot para sa mga bigong magsagawa ng orientation.

Sinabi rin ng dating hepe ng pulisya na umaakto ang AdU na “Pontius Pilate” sa pagsasabi na ang Tau Gamma Phi ay hindi kinikilala ng naturang eskwelahan.

“It’s tantamount to saying that wala kaming pakialam sa inyo, mga fraternity. But you know of the existence of these fraternities in the school. You are the director of Student Affairs,” saad niya kay AdU’s Atty. Jan Nelin Navallasca,

“There are alleged presence (of fraternities). So, alam pala ninyo na meron niyan, bakit hindi ninyo ni-regulate? Andiyan pala ‘yan eh. So, ibig sabihin ‘naghugas kamay’ na lang kayo porke alam niyo nandiyan, alam ninyo, sa batas sinasabi, kailangang irehistro sa school administration itong mga fraternity nila… So, gano’n na lang pala?” pagpapatuloy niya.

Sinabi ni Navallasca na base sa record, nagsasagawa sila ng orientation simula pa noong 2018 para sa first-year at second-year students para sa NSTP (National Service Training Program) classes.


Iminungkahi ni Dela Rosa sa ADU na i-kick out ang mga estudyante sa unibersidad ana hindi susunod sa patakaran ng Anti-Hazing. Sa ilalim ng batas, ang mga opisyal ng paaralan ay may awtoridad na magpatawa ng disciplinary penalties sa head at iba pang officer ng fraternity, sorority o organisasyon na bigong iparehistro o i-update ang kanilang listahan ng mga miyembro.

“I suggest, kung outlawed ninyo sa school ‘yung mga fraternity…may naobserbahan kayo na gumagawa ng fraternity sa school, then i-kickout ninyo. I-expel ninyo from school, that’s the best thing,” suhestiyon ni Dela Rosa.