December 25, 2024

DELA ROSA: BAHALA NA SI LORD KUNG ANONG MANGYARI SA BUHAY KO (War on drugs posibleng imbestigahan ng ICC)

Naglabas ng pahayag si Senator dela Rosa kaugnay sa isyu ng International Criminal Court (ICC) at sa posibleng imbestigasyon sa giyera kontra droga ng administrasyong Duterte.

Ayon kay Dela Rosa ipinauubaya na niya sa Panginoon ang kanyang maging posibleng kapalaran.

“I leave my fate to the Lord. Whatever happens. Basta, as far as I’m concerned, I did my best. If my best was the worst for them, then anong magagawa ko? Yun lang ang kaya kong gawin. Bahala na si Lord kung  anong mangyari sa buhay ko afterwards, basta ginawa ko ang dapat kong gawin dahil sabi ko nga, minsan lang ako magiging Chief PNP. Minsan lang ako mag li-lead ng war on drugs, so dapat gawin ko na talaga ang dapat kong gawin para matapos ang problema na ito. Or kung di man matapos, mabawasan ang problema ng droga sa ating bansa. At nakikita naman natin na maganda naman ang resulta,” ayon sa dating PNP Chief.

Ang ICC ay may hu­ris­diksyong lumitis at magparusa ng mga indibidwal na sangkot sa international crimes tulad ng genocide, crimes against humanity at war crimes.