NABABAHALA ang isang dating mambabatas ng Makati at outstanding national athlete sa naging kakulangan ng national government authorities sa pagtugon sa nakaaalarmang paglobo ng kaso ng COVID-19.
“More than a year since the breakout of this virus crisis in the Philippines, we are be back to square one, if not worse,” ayon kay Monsour del Rosario.
“We are told by Malacanang’s official spokesman that our government’s engagement and containment of this problem has been ‘excellent’ yet the figures, pictures and news we see, listen to and read daily say otherwise,” saad pa ng ex-Makati congressman at councilor.
Sa kabila ng isa sa pinakamahabang lockdown ng mundo upang mapigilan ang nakakahawa at nakamamatay na sakit, ang pagtaas kamakailan lang ng impeksyon ay tila hindi na makontrol, aniya, na nakapagtala ng all-time high ng 10,016 positive cases nitong Marso 29 habang lumobo na sa bilang na 115,495 ang aktibong kasi sa loob lamang ng ilang linggo.
Pumapangalawa rin ang bansa sa Southeast Asia na may pinakamaraming kaso ng COVID-19 na may 731,894 infections.
Ang patuloy na pagtaas ng bilang ng kaso ng COVID-19 ay nagdulot ng matinding stress sa healthcare system sa bansa, partikular sa Metro Manila at kalapit nitong mga lalawigan, na karamihan sa ospital ay napaulat na halos nasa full capacity na para gamutin ang COVID-19 patients, ayon kay Del Rosario.
“Because of this rise in cases, we are also exposing thousands of our overworked medical frontliners to even greater mortal danger given the presence of the COVID-19 variants,” punto ni Del Rosario.
“Had our government officials foreseen this and taken pro-active and preemptive measures beforehand we might have averted this problem. Apparently, they have not done so, to the detriment of us all,” sambit pa ni Del Rosario, isang multi-awarded former national taekwando team member.
Tinukoy din niya ang supply ng mga gamot na ginagamit pinanggagamot sa virus tulad ng remdesivir at tocilimuzab ay na napaulat na nagkakaubusan na ng stock dahil sa patuloy na pagdami ng pasyente na ginagamot para sa COVID-19.
Ang masaklap pa ayon kay Del Rosario ay ang mabagal na paglulunsad ng vaccination program ng pamahalaan at pinalala pa ng mga ulat na may mali sa pamamahagi ng mahalagang bakuna.
“We have the slowest vaccination rollout in Southeast Asia then we are hearing reports that some of these vaccines were mishandled. This does not speak well of the way our government leaders are handling these things,” giit niya. “As a taxpayer and concerned citizen, so far we have yet to see a wholistic and effective approach in addressing the problems that have arisen due to the pandemic.”
More Stories
SUV SA VIRAL VIDEO GUMAMIT NG PEKENG “7” PROTOCOL PLATE – TULFO
BAGYONG MARCE NAGBABANTA SA LUZON (Matapos ang hagupit nina Julian, Kristine at Leon)
PINOY PADDLERS DAPAT WALANG PUKNAT ANG PROGRAMA SA INTERNATONAL NA EKSENA – ESCOLLANTE