January 24, 2025

DEGAMO IPRINOKLAMA BILANG BAGONG NEGROS ORIENTAL GOVERNOR

OPISYAL nang iprinoklama ng Commission on Election En Banc si Roel Degamo bilang lehitimong nanalo sa pagka-gobernador ng Negros Oriental nitong nakaraang 2022 election.

Kanina, pormal nang ibinigay ng Comelec Central Office ang Certificate of Canvass and Proclamation kay Degamo bilang tunay na nagwagi sa lalawigan.

Nakakuha si Degamo ng kabuuang 331,726 votes laban kay Gov. Henry Pryde Teves na nakakuha ng 301,319 votes.

Si Teves ang ideneklara ng Comelec Provincial Board of Canvasses noong Mayo bilang nanalong gobernador subalit naghain ng protesta si Degamo para ipadeklara na nuisance candidate si Grego Degamo na kandidato ring gobernador.

Sa Provincial Board of Canvass ng Comelec Negros Oriental, nakakuha si Gov. Teves ng 301,319 votes habang si dating Gov. Ruel Degamo ay nakakuha naman ng 277,462 votes at ang idineklarang nuisance candidate na si Grego Degamo ay nakakuha 49,039.

Ginamit din kasi ni Grego ang alyas na Ruel na kaparehong pangalan ng dating gobernador.

Sa desisyon ng Comelec Central Office, kinatigan nito ang petition ng dating gobernador at ibinilang ang mga boto ni Grego Degamo pabor kay Roel Degamo.