
Nagdeklara ng isang linggong national mourning ang Myanmar matapos yanigin ng malakas na lindol ang naturang bansa.
Umabot na sa higit 2,000 ang nasawi sa naturang lindol at unti-unti nang naglalaho ang pag-asa na makita ang iba pang survivors sa mga gumuhong gusali.
Naka-half mast ang kanilang bandila hanggang Abril 6, bilang pakikiramay sa libo-libong nasawi at natamong pinsala mula sa malakas na 7,7 magnitude na lindol.
Pumalo na ang death toll sa Myanmar quake sa 2,056; mahigit 3,900 naman ang nasaktan habang 270 katao pa ang nawawala.
Marso 28 nang gumimbal ang lindol na may lakas na magnitude 7.7 sa Myanmar. Naramdaman ito sa Thailand.
More Stories
P102K SHABU NASAMSAM! KELOT KUMAGAT SA BUY-BUST SA VALENZUELA
Iba-ban si referee Collantes… DESISYON MALAMANG MABALIGTAD PABOR KAY SUAREZ NG PILIPINAS
Drug suspect, tiklo sa buy-bust sa Valenzuela