Nahaharap ngayon sa arrest order ang apat na opisyal ng Office of the Vice President dahil sa muling pagliban sa pagdinig ng Kamara sa paggasta ng opisina.
Kabilang sa mga OVP official na na-cite in contempt sina Lemuel Ortonio, Gina Acosta, Sunshine Fajarda at Edward Fajarda sa bisa ng mosyon na inihain ni House Deputy Speaker Jayjay Suarez.
“This timeframe is beyond what the committee would normally allow,” wika ni Suarez sa nakaambang pag-aresto sa apat na opisyales ng tanggapan ni VP Sara.
Sa sandaling madakip, nakatakdang ipiit ang apat na OVP officials sa detention center ng Batasang Pambansa Complex sa Quezon City.
Bukod sa warrant of arrest, pasok na rin sa immigration lookout bulletin order ang pangalan ng apat na opisyales na pawang nagpasabi ng hindi pagdalo..
Samantala, binigyan naman ng House Committee on Good Government and Public Accountability ng konsiderasyon si Atty. Zuleika Lopez na nagtungo sa Estados Unidos para kalingain ang kamag-anak na may karamdaman. Si Lopez ang tumatayong chief of staff ni VP Sara.
Bagamat “no-show” ang mga imbitadong OVP officials, isang Atty. Emily Torrentira ang sumipot sa pagdinig ng komite bilang kinatawan ng OVP. Gayunpaman, hindi tinanggap ng komite si Torrentira na walang bitbit na dokumentong patunay na siya’y inatasan ni VP Sara para tumayong kinatawan ng OVP.
More Stories
LEO FRANCIS MARCOS, INATRAS KANDIDATURA
Galvez sa MILF: Magsagawa ng imbestigasyon… 4 PATAY KABILANG ANG 2 SUNDALO, 12 IBA PA SUGATAN SA PANANAMBANG SA BASILAN
CIDG ‘KOLEKTONG ISYU’ MATULDUKAN NA KAYA?