December 20, 2024

DE LIMA LUSOT SA IKALAWANG DRUG CASE (Rule of Law Prevailed – Remulla)

Inihayag ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na nananaig ang hustisya sa Pilipinas.

Reaksiyon ito ng Kalihim makaraang ipawalang-sala ng  Muntinlupa City Regional Trial Court Branch 204 si De Lima at kanyang aide na si Ronnie Dayan sa kaso ng illegal drugs.

Sabi ni Remulla na patunay lamang ang desisyon ni Muntinlupa City RTC Branc 204  Judge Joseph Abraham Alcantara  na gumagana ang sistema ng hustisya at demokrasya sa ating bansa.

Ani Remulla, maganda para sa bansa ang nasabing desisyon dahil dito nakikita ang takbo ng demokrasya sa Pilipinas.

Paliwanag pa ni Remulla, nasa korte na rin daw ang pagpapasiya kung papayagana ang dating senadora na makapagpiyansa.

Una rito ay dinismis ni Judge Alcantara ang kaso laban kay De Lima

Dating  na si Dayan, kapwa akusado sa kasong  pagsasabwatan sa pagbebenta ng illegal drugs o conspiracy to commit illegal drug sa loob ng New Bilibid Prison (NBP) nang siya pa ay Justice Secretary.

Sa pagdismis sa kaso,  pinagbatayan ng hukom ang pagbawi ng testimonya ni dating  Bureau of Corrections acting chief Rafael Ragos laban kay De Lima. Gayunman, sa kabila nang pagkaabsuwelto sa dalawang kaso mananatili pa rin sa kulungan ang dating senador lalo na at hindi pa naglalabas  ng resolution ang Muntinlupa City RTC Branch 256 sa petition for bail ng dating senadora.