HINIMOK ni dating Sen. Leila De Lima si dating presidential spokesperson Harry Roque na sumuko na sa mga awtoridad matapos maglabas ng arrest order ang House of Representatives laban sa kanya.
Inilabas ni De Lima ang pahayag matapos siyang maghain sa Manila Hotel Tent City ng certificate of nomination and acceptatnce (CONA) ng Mamamayang Liberal party-list, kung saan siya ang first nominee.
“Of course, he must. He is a lawyer. He is a man of law. He is supposed to be a lawyer,” ayon kay De Lima patungkol sa problemang kinakaharap ni Roque sa isang panayam matapos ang kanyang paghahain ng CONA.
“Ako nga hinarap ko eh, kahit gawa-gawang mga kaso eh. Hinarap ko ang batas,” aniya pa.
More Stories
Para sa kabataan, Sexuality Education suportado ng DepEd
Cotabato City mayor, 4 iba pa, kinasuhan ng pandarambong
P10.5-M ALAHAS, GADGETS AT PERA NILIMAS NG MGA NAGPANGGAP NA GOV’T EMPLOYEE SA LAGUNA