![](https://agilangbayan.com/wp-content/uploads/2025/02/image-47.png)
Nagbigay-pugay si ML Partylist first nominee at dating Senador na si Leila de Lima kay dating Albay 1st District Rep. Edcel Lagman, na inalala niya bilang isang mentor, isang matibay na kaalyado, at isang gabay sa kanilang pinagsamang pakikibaka para sa katarungan at demokrasya
“Beyond being a legislator, Manong Edcel was a friend, a father-mentor, a true companion in the fight,” pahayag ni De Lima sa kanyang social media post nitong Linggo, Pebrero 9.
Partikular na pinasalamatan ni De Lima si Lagman sa kanyang walang-hanggang suporta sa panahon ng kanyang pagkakakulong dahil sa mga paratang na itinuring niyang imbento lamang.
“Lagi kong ipagpapasalamat na noong nakakulong ako dahil sa mga gawa-gawang kaso, binisita nya ako at pinadalhan nya ako ng mga mensahe ng kanyang suporta. May kasama pang Bicol express pasta,” pagbabahagi niya.
Sa gitna ng pagluluksa ng bansa sa pagpanaw ni Lagman, binigyang-diin ni De Lima na ang kaniyang laban ay dapat ipagpatuloy.
“His voice no longer echoes in the halls of Congress, and the weight of his absence is immense. But his fight does not end here. It does not end now,” aniya.
“The greatest tribute we can give him is to continue what he started—to uphold the rule of law, to defend the marginalized, and to stand unwavering in the pursuit of justice,” dagdag niya,
“Dios Mabalos, Manong Edcel. You were not just our friend and a most revered ally. You are our inspiration, our guide, and our hero. The Liberal Party will forever be indebted to you,” pagtatapos nito.
More Stories
5.6M PASAHERO NAITALA SA MACTAN AIRPORT NOONG 2024 – CEB
ROMUALDEZ, 3 PANG KONGRESISTA KINASUHAN NG DUTERTE ALLIES (Dahil sa umano’y anomalya sa 2025 budget)
‘Siga’ isinelda sa baril at panggugulo sa Caloocan