
Nakalabas na ng ospital si boxing icon Golden Boy Oscar De La Hoya mula nasng ma-confined dahil sa COVID-19. Ilang araw ding nanatili ang boxer bago maka-recover sa sakit.
Aniya, mahirap ang kanyang pinagdaanan sa natutang karamdaman. Katunayan, pinost niya sa kanyang social media account ang hirap na naranasan. Tatlong araw nanatili si Oscar sa ospital. Gayunman, dahil fully vaccinated na, pinayagan na siyang ma-discharged.
Nakatakda sanang humarap si De La Hoya kay UFC fighter Vitor Belfort sa September 11. Ngunit, naudlot dahil sa di hindi inaasahang madapuan siya ng coronavirus. Si heavyweight boxing legend Evander Holyfield ang pumalit sa kanya.
More Stories
PSAA LEAGUE SA TOPS USAPANG SPORTS
Pinoy FM Ivan Travis Cu sa Hungary… SECOND BEST SA BUDAPEST CHESS
Abalos, Reyes, Manalo bibigyang ningning ang Hagdang Bato billiardfest sa Mayo 4