INANUNSIYO ng Department of Budget and Management (DBM) ang pagkakahalal kay Secretary at Philippine Open Government Partnership (PH-OGP) Chairperson Amenah “Mina” F. Pangandaman bilang bagong miyembro ng Open Government Partnership (OGP) Steering Committee, Mayo 30, 2024.
Ang OGP ay isang multilateral na inisyatiba na naglalayong makamit ang konkretong commitment mula sa mga gobyerno para isulong ang transparency, bigyang-lakas ang mga mamamayan, labanan ang katiwalian, at gamitin ang mga bagong teknolohiya upang palakasin ang pamamahala.
Makakasama ni Secretary Pangandaman ang mga kinatawan mula sa Brazil, Estonia, Morocco, at United Kingdom, na nakakuha rin ng mga puwesto sa Steering Committee at magsisimula ang kanilang tatlong taong termino sa Oktubre 1, 2024.
Bilang mga advocate ng Partnership, gumaganap din ang mga miyembro ng mahalagang papel sa pagtataguyod ng sama-samang pagkilos sa mga pangunahing thematic na isyu at iba pang prayoridad ng OGP sa pamamagitan ng aktibong pakikilahok sa mga high-level OGP events.
Kaugnay nito nagpapasalamat ang Budget Chief sa pagkakataong mapabilang sa OGP at tinitiyak naipakikita sa buong mundo na ang Pilipinas ay isang dakilang halimbawa na balwarte ng open government.
Si Pangandaman ay kampeon ng open government sa Administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr., na nagsusulong ng lokalisasyon ng open government sa bansa kabilang ang “OGPinas!”, isang open government nationwide advocacy campaign kung saan nakibahagi na ang 1,500 Pilipino sa siyam na probinsya sa loob lamang ng pitong buwan.
More Stories
NBI nasamsam ang mga pekeng Chanel na nagkakahalaga ng P44-M sa Makati City
MMDA sinuspinde ang number coding scheme para sa holiday season
BuCor bubuo ng board upang pag-aralan kung pasok si Veloso sa GCTA