January 22, 2025

DBM naglabas ng P5.2-B para sa 9.8-M benepisyaryo ng targeted cash transfer

Inanunsiyo ng Department of Budget and Management (DBM) na naglabas na sila ng P5.2 bilyon para sa one-month requirement ng Targeted Cash Transfer (TCT) program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Ayon sa ahensiya, inaprubahan ni Budget Secretary Amenah Pangandaman ang pag-release ng Special Allotment Release Order (SARO) na nagkakahalaga sa P5.2 billyon sa DSWD noong Nobyembre 17, 2022.

“This was charged against the Unprogrammed Appropriation,” ayon sa DBM.

Idinagdag nito na ang halagang inilabas ay naglalayong i-cover ang bahagi ng ikatlong tranche ng TCT program, na nakikinabang sa humigit-kumulang 9.8 milyong na identified beneficiaries.


“The DBM fully supports the projects and programs that provide social assistance to our fellow kababayans. It was the President himself who gave the marching order not to neglect those in dire need. Thus, we will do everything we can in our capacity so that they may receive the benefits entitled to them,” saad ni Secretary Pangandaman sa isang kalatas.


Ang TCT Program ay nagbibigay ng unconditional cash transfer na P500 kada buwan sa mga pinaka-apektadong pamilya sa loob ng anim na buwan upang mabawasan ang mga epekto ng pagtaas ng presyo ng gasolina at iba pang non-fuel commodities sa mga bulnerableng populasyon.

Ayon sa DBM na naglabas na sila kamakailan ng kabuuang P10.33 bilyon sa DSWD na sumasaklaw sa dalawang buwan na cash transfers para sa 10 milyon na target household beneficiaries.

Idinagdag nito na ang pag-release ng P5.2 bilyon ay bahagi ng P9.1 bilyo nna computed requirement upang i-cover ang one-month grant para sa 9.8 million identified beneficiares at three month grants para sa karagdagang 2.6 milyon benepisyaryo ng TCT program.