Inanunsiyo ng Department of Budget and Management (DBM) na naglabas sila ng P6.2 bilyon para sa P500 buwanang ayuda na ipamamahagi sa mga pamilya na maliit ang kita upang mabawasan ang kanilang pasanin sa gitna ng pagtaas ng presyo ng petrolyo at mga bilihin.
Ang inilabas na halaga ay para sa Targeted Cash Transfer (TCT) Program ng Department of Sicial Welfare and Development (DSWD).
Noong Marso, ipinag-utos ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na gawing P500 ang monthly cash aid para sa mga mahihirap mula sa P200, na iminungkahi ng kanyang economic managers sa gitna ng inflation concerns.
Ngunit hanggang matapos ang termino ni Duterte ay hindi naipamahagi ang cash assistance.
“The cash subsidy will be distributed to six million beneficiaries from the poorest 50% of the country’s population to help them cope with rising prices of fuel and other commodities,” ayon sa DBM.
“Specifically, this includes four million households enrolled under the Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) and two million social pension beneficiaries,” dagdag pa nito.
Matatanggap ng mga benepisyaryo ang P500 buwanang ayuda sa loob ng anim na buwan, na ipamamahagi sa tatlong tranches.
This implies they are expected to receive P1,000 for the first tranche, which will be distributed through the cash cards issued by the LandBank of the Philippines or other approved modes of distribution,” ayon DBM.
The DBM will ensure the timely and prudent release of funds and work closely with all implementing agencies to help ease the burden of the vulnerable population most affected by global crises,” sabi pa nito.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA