ITINANGGI ng Department of Budget and Management (DBM) Secretary Wendel Avisado, na sila ay “umaastang diyos” para hindi ilabas ang pondo ng Commission on Audit (COA).
“So hindi lang po totoo yun, I’d like to debunk with all due respect to the good Ombudsman na wala po kaming dinedelay dito po,” ayon kay Avisado.
“Wala po kaming dinedelay, we are not close to gods and we’re not acting gods,” dagdag niya.
Sa budget hearing noong Lunes, hinikayat ni Ombudsman Samuel Martires ang COA na magsampa ng kaso laban sa DBM dahil sa pagpigil ng pagpapalabas ng P173 million appropriations.
Ayon sa Ombudsman, labag daw ito sa fical autonomy sa ilalim ng Konstitusyon.
Pero sinabi ni Avisado na wala namang problema kung nagsumite ang COA ng special budget request sa DBM.
“Kailangan po mag-submit ng special budget request ang departamento at kaakibat niyan yung plano kung ano ang gagawin nila sa gusto nila mapa-release na pondo. Usual lang po na requirements po yan,” ayon kay Avisado.
“We recognize and we respect and we know that for the constitutionally autonomous bodies like Ombudsman, COA, judiciary, etc., hindi po namin puwede pakialaman yan. Wala po kaming dinedelay dito, lalo na sa Constitutional bodies,” saad niya.
“Kaya lang po, wala pa kami mairerelease pa kasi wala kaming natatanggap na special budget request sa kanila. So hindi po totoo yun na hindi namin nirerelease,
pagpapatuloy niya.
More Stories
Para sa kabataan, Sexuality Education suportado ng DepEd
Cotabato City mayor, 4 iba pa, kinasuhan ng pandarambong
P10.5-M ALAHAS, GADGETS AT PERA NILIMAS NG MGA NAGPANGGAP NA GOV’T EMPLOYEE SA LAGUNA