December 24, 2024

DBM HANDANG SUMAGOT SA PETISYON LABAN SA UNPROGRAMMED FUNDS

Sasagutin ng Department of Budget and Management o DBM ang petisyon na idinulog sa Korte Suprema na kumukuwestiyon sa unprogrammed funds sa ilalim ng 2024 National Budget

Sa Kapihan sa Manila Bay nitong Miyerkules, sínabi ni DBM Secretary Amenah Pangandaman na kung aatasan sila ng Supreme Court na magpaliwanag sa usapin handa naman ang kagawaran na sumagot.

Nanindigan si Budget Secretary  sa paniniwalang hindi labag sa Konstitusyon ang mahigit 400 bilyon pisong unprogrammed funds na isinabatas sa ilalim ng 2024 Pambansang Pondo

Sa Kapihan sa Manila Bay, sinabi ng kalihim na maaaring bunga ng pagkakaiba ng interpretasyon ang dahilan ng petisyon laban sa 2024 General Appropriations Act

Paliwanag pa ng opisyal na mas maliit pa nga ang unprogrammed funds ngayong taon kumpara sa 850  bilyong piso noong 2023

Sinabi pa ni Pangandaman na sinusunod lang naman nila ang budget na isinabatas ng dalawang kapulungan ng Kongreso at tinanggap ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr

Sa data na inilabas ng DBM, 281.9 billion pesos ang unprogrammed funds na inirekomenda ng ehekutibo ngunit umabot ito sa 731.4 billion pesos makaraang singitan sa bicameral conference committee ng 449.5 billion pesos.