
PATAY ang isang lalaki matapos barilin sa ulo ng salarin sa mataong lugar sa Baseco Compound sa Port Area, Manila.
Kinilala ng Manila Police District-Station 5 ang biktima na si Franjill Francia, ng Block 3 Lot 60 Mustard Street, Camella Homes, Bacoor, Cavite, base sa nakuhang driver’s licence sa kanya.
Dakong alas-12:00 ng tanghali nang makatanggap umano ng impormasyon ang pulisya kaugnay sa nangyaring pamamaril sa Baseco Compound sa Port Area, Manila.
Pagdating sa pinangyarihan ng krimen, nakita na lamang nila ang nakabulagta at wala ng buhay na biktima na may tama ng bala sa ulo.
Wala namang nakapagbigay ng impormasyon kaugnay sa nangyaring pamamaslang sa biktima na sinasabing dayo lamang sa lugar.
More Stories
MPBL 2025 Season… BAGITO PERO MABALASIK NA DAVAO OCC. TIGERS COCOLIFE KILALANIN!
2 SALVAGE VICTIMS NATAGPUAN SA SEMENTERYO SA LAGUNA
Tuloy ngayong Abril 2… TAAS-PASAHE SA LRT 1 ‘DI NA KAYANG PIGILAN PA – PALASYO