NAIPUSLIT ng defending champion Davao Occidental Tigers Cocolife ang palabang bagitong Boracay Islanders 88- 85 sa pambungad na laro ng Pilipinas Super League Pro 2nd Conference Dumper Cup kamakalawa ng gabi sa dinagsang Araneta Coliseum.
Dikit ang laban mula simula na kinakitaan ng determinsyon ng bagitong Islanders na pinangungunahan ng star players na sina Jayjay Helterbrand, KG Canaleta, Marc Cardona, Jimbo Estrada at actor/ cager Gerard Anderson na maka-buwenamano ng panalo kontra nagdedepensang kampeon mula Mindanao.
Mas namayani ang karanasan ng Davao team ng Bautista clan na suportado nina Cocolife President Atty Jose Martin Loon,SVP Joseph Ronquillo,VP Rowena Asnan at EVP Franz Joie Araque sa pagtutulungan nina Gab Dagangon, Keith Agovida, John Wilson, Emman Calo at crunch time heroics nina Larry Rodriguez at Kyt Jimenex para sa kanilang win number one sa ligang suportado rin ng Winzir at inorganisa nina PSL president Rocky Chan,katuwang sina VP Ray Alao at Commissioner Mark Pingris.
“Breaks of the game.Malakas din ang kalaban.Buti matatag sa endgame ang ating mga Tigers,” pahayag ni player -turned coach (assistant) Gerwin Gaco. Bahagi ng bench tactician sina head coach Marvin Bonleon, assistants na sina Gaco at Rob Waignright.
Naagaw ng Islanders ang kalamangan sa huling dalawang minuto ng laban nang ipasok ang inaabangan ng fans na si Jimenez na nagpasiklab agad ng steal upang idikit ang laban kasunod ay ang salaksak nito upang muling umangat ang mga Tigre na pinagtibay pa ng jumper ni veteran Rodriquez para sa insurance basket at buwenamanong panalo ng Davao Occidental Tigers Cocolife.
More Stories
Tulak, kalaboso sa pagbenta ng shabu sa pulis sa Malabon
Driver, arestado sa baril sa Malabon
80K NANAY MAKAKATANGGAP NG P350 MONTHLY SA ILALIM NG EXPANDED 4Ps – DSWD