UMINIT muli ang ribalang Davao Occidental kontra San Juan sa larangan ng pro- basketball at matutunghayan ang kanilang pagtutuos sa balwarte ng mga tigre sa Pebrero 9 sa bakbakan ng mga powerhouse sa Pilipinas Super League Pro Division 2nd Conference Dumper Cup sa Davao City.
Sa kasaysayan ng kanilang pagtutuos,ay tabla ang kanilang kampeonato sa dating nilahukang liga at ngayon ay babasagin ang kanilang deadlock sa PSL at magsisimula ito sa RMC Gymnasium,Lopez Jaema,Poblacion sa Davao City na inaasahang dadagsain ng basketball – loving Davaoenos.
Babanderahan ng mga dating San Juan top cagers na sina John Wilson at Larry Rodriguez na nasa kuwadra na ngayon ng Tigers ng Davao Occidental Cocolife kaagapay sina Billy Ray Robles,Keith Agovida,Gab Dagangon,Eman Calo,Bonbon Custodio,Kyt Jimenez at iba pang bagito at homegrown talent nito kontra namamayagpag na koponan ni Sen.Jinggoy Estrada na San Juan Kings na binabanderahan ni Fran Yu at mainstays ng champion caliber team.
Sisikapin ng Tigers team ng Bautista clan sa Davao Occidental at suportado nina Cocolife Pres.Atty. Jose Martin Loon,SVP Joseph Ronquillo,VP Rowena Asnan at EVP Franz Joie Araque na mantsahan ang kartada ng namamayagpag na San Juan upang makapantay sa team standing ng ligang inorganisa ni PSL President Rocky Chan katuwang sina VP Ray Alao at Commissioner Mark Pingris.
“Feeling championship game na ito kaya laging todo ang best namin dahil sabi ni coach,every game is a championship game” ,wika ng balik- Tigers ( mula PBA) na si Robles na kabilang sa core players ng Davao Cocolife na naghandog na ng kampeonato sa Davaoeños. Kinabukasan ,Pebrero 10 ay haharapin ng Davao Tigers Cocolife ang isa pang malakas na koponang Pampanga sa naturan ding venue
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA