NANLILISIK ang bangis ng Davao Occidental Tigers Cocolife matapos lantakan ang mga Kuyas ng Bulacan, 91-55, sa eliminasyon ng Maharlika Pilipinas Basketball League kamakalawa sa Nueva Ecija Coliseum.
Maagang kumawala ang opensa ng Tigers sa pagputok nina Dave Arana at Bam Gamalinda kung saan ay pumoste na ng double digit spread, 19- 9 sa unang yugto pa lamang.
Nagpasiklab naman si Tiger Art de la Cruz na nagpadulas sa opensa ng Davao Cocolife na naghigpit na rin ng depensa ni Tigers coach Manu Inigo upang bumuka pa ang koponang pagaari ng Bautista clan sa Davao Occidental at suportado nina Cocolife President Atty. Jose Martin Loon, SVP Joseph Ronquillo, VP Rowena Asnan at EVP Atty. Elmore Omelas, para sa 40-24 halftime score.
Bahagyang nag-rally ang Bulacan sa 3rd quarter sa pagsisikap nina Kuyas Nino Ybanez Paulo Hubalde at Choso Montero pero pinatahimik sila ni Biboy Enguiyo habang sumiklab naman si Jun Manzo sa final quarter tungo sa pagtala ng ikalimang panalo at nag-iisang talo (5-1).
“Hear our Tigers roar .Mas mabangis pa yan sa susunod na mga laban.Kailangang maging matapang dahil ang lalakas ng mga makakalaban”, wika ni Tigers team manager Arvin Bonleon.
Si Gamalinda ang tinanghal na best player sa kanyang 15 points at 4 rebounds. (DANNY SIMON)
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA