BAGAMA’T dumanas ng magkakasunod na setbacks,sapat pa rin ang kanilang record upang makapasok sa playoffs sa Douth Division ang champion caliber team na Davao Occidental Tigers Cocolife sa regular Season ng Maharlika Pilipinas Basketball League ( MPBL) Regular Season 2024.
Ang powerhouse Tigers team na pag-aari ng Baautista clan sa Davao Occidental at suportado nina Cocolife President Atty. Jose Martin Loon, SVP Joseph Ronquillo, VP Rowena Asnan at EVP Atty.Elmore Omelas ay nakuha pa rin ang magic number upang mag- qualify sa sunod na estado ng quarterfinal match para manatiling buhay ang kanilang kontensyon sa misyong kampeonato at maipagpatuloy ang kanilang winning tradition.
Ang Davao Occidental Tigers Cocolife ay naunang nagkampeon sa MPBL noong 2021 Season matapos makaresbak sa arch rival San Juan Knights ni Senator Jinggoy Estrada.
Nasundan ito ng kampeonato sa Pilipinas Super League( PSL) noong 2022.
“We will treat our remaining matches one game at a time. then move to our mission of entering to the semis to finals then the championship., ” kumpiyansang pahayag ni head coach Manu Inigo na nangakong mas gumaan ang kanilang misyon pagpasok playoff period at masusundan na ng panalo. “Our preparation is in a high gear.Our preparation and spirits are into high gear. Hear us Roar once more?”,wika ni team manager Arvin Bonleon. (DANNY SIMON)
More Stories
1ST SOUTHEAST ASIA SUDOKWAN C’SHIP IHU-HÒST NG PILIPINAS
US MAGBIBIGAY NG $1-M PARA SA PEPITO VICTIMS
3 SOKOR FUGITIVES NASUKOL NG BI