NAUNGUSAN ng powerhouse Davao Occidental Tigers Cocolife ang Negros Muscovados,67-64 sa pagpapatuloy ng mga laban sa MPBL 2024 Season kamakalawa sa Pampanga Convention Center.
Patalasan ng game strategy sina Tigers coach Manu Inigo at Bonnie Garcia ng mga Ilongos dahil magmula sa umpisa ay di naghiwalay ang dalawang protagonista mula Mindanao at Visayas.
Sinimulan ng tres ni Tiger Kelly Nabong ang tangkang maagang pag-distansya para kumawala sa unang tikada ng bakbakan habang nanguna si James Una sa madulas na opensa ng Negrenses kung kaya naging dikdikan ang tunggalian.
Ang halftime score ay 32-all.
Isang krusyal na agaw ang nagawa ni Jun Manzo ng Davao kasunod ng penalty foul sa huling 15 segundo para iselyo ang panalo para sa koponang pag-aari ng Bautista clan sa Davao Occidental at suportado nina Cocolife President Atty.Jose Martin Loon, SVP Joseph Ronquillo, VP Rowena Asnan at EVP Atty. Elmore Omelas.
Kaagapay din sa pagposte ng panalo ng Tigers sina Dave Arana,Chris Lalata , Keith Ighalo at iba pang Tigers.
“Pokus lang sa laban. Malaki man ang lamang o dikdikan ay pinaka-importante ang panalo. Hats off sa ating Tigers!,” pahayag ni Coach Inigo. (DANNY SIMON)
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY