BAKBAKAN ng beteranong kampeon kontra bagitong potensiyal magkampeon ang mabubukas ng telon sa 2nd Conference ng Pilipinas Super League Pro Dumper Cup Winzir sa Araneta Coliseum ngayon.
Ang defending champion na koponang pambato mula Davao Occidental ng Bautista clan at team na suportado nina Cocolife president Atty. Jose Martin Loon, SVP Joseph Ronquillo, VP Rowena Asnan at EVP Franz Joie Araque ay binabanderahan nina 1st Conference MVP Gab Dagangon, prolific Robbie Celis, streak shooter John Wilson ,mga beteranong reliables Emman Calo, Larry Rodriguez, Bonbon Custodio, young blood at homegrown Tigers ang nakaharang sa landas ng Boracay Islanders na binabanderahan nina dating Ginebra cager superstar Jayjay Helterbrand,actor cager Gerard Anderson, KG Canaleta at iba pang Islanders na bagito sa liga paro palaban hanggang dulo ng laban sa kanilang unang pagtahak sa isang potensyal na pangarap.
“Our Tigers are raring to go back- to -back pero hindi ganoon kadali dahil malalakas di ang kalaban tulad ng Boracey nna star-studded ang line-up kahit bagong tatag pa lang.Of course our Tigers are determined to pursue our team’s winning tradition,” wika ni Tigers’ deputy coach Manu Inigo.
Ang PSL Pro 2nd Conference Dumper Cup Winzir ay inoganisa nina Pres.Rocky Chan,VP Ray Alao,Chelito Caro,Commissioner Marc Pingris at basketball operation head Leo Isaac.
More Stories
Gatchalian sa DOLE: Gumamit ng proactive approach para kanselahin ang permit ng mga dayuhang manggagawa ng POGO
MARCOS: MAGDASAL, MAGKAISA SA GITNA NG SUNOD-SUNOD NA KALAMIDAD
1ST SOUTHEAST ASIA SUDOKWAN C’SHIP IHU-HÒST NG PILIPINAS