HEAR US ROAR! Ito ang battlecry ng Davao Cocolife Tigers sa misyong makamit na ang national championship sa Lakan Season ng MPBL.
Nagharing muli ang astig na koponan mula Mindanao sa South Division ng Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL).
Ang naturang division title sa Lakan Cup ay nakamit ng Tigers nang walang pawis at di naipamalas ang bangis dahilan sa sitwasyong hindi kontrolado ng lahat ng konsernado.
Ang dapat na exciting rubbermatch ng Davao kontra Basilan sa Subic bubble sa SBMA, Olongapo City ay naudlot muli ng pandemya.
Kamakalawa ay nag-positibo sa Covid-19 ang apat na manlalaro ng Basilan kung kaya idineklara ng pamunuan ng liga na pabor sa Tigers via default.
Ang Davao at Basilan ay parehong 1-1 sa kanilang best-of-three sa south division bago naudlot ng pandemya noong nakaraang taon at nakatakdang tapusin ang seryeng do-or-die sa Subic bago ang killjoy na virus na kumitil sa pag-asa ng Basilan.
Dahil dito ay muling sinungkit ng Tigers ang titulo sa Katimugan na sila rin ang kampeon noong nakaraang taong Datu Cup.
Umusad sa national finals ang koponan ni Rep.Claudine Bautista ng Davao Occidental na suportado nina Cocolife President Atty. Jose Martin Loon , SVP Joseph Ronquillo, VP Rowena Asnan at EVP Franz Joie Araque, makakaharap ang defending national champion San Juan Knights para sa best-of-five series na raratsa ngayon sa Subic Bubble.
Ang Davao Occidental Cocolife Tigers ay sa timon nina Team Manager Dinko Bautista,deputyManager Ray Alao,basketball operation head Bong Baribar ,coaching staff at players na sina Mark Yee,Billy Robles,Bonbon Custodio ,Emman Calo,Gerwin Gaco,Bogs Raymundo,Joseph Terso ,HarryBonleon,Ronald Lamocha,Yvan Ludovice ,Richard Albo,Kennerh Mocon ,Chester Saldua at Marco Balagtas. Makakaresbak na ang Davao mula sa masakit na pagkatalo noong nakaraang season kontra San Juan..ABANGAN!
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY