SA pagluwag ng alert level ng IATF na isang positibong balita sa larangan ng sports sa bansa, makakapamayagpag na rin sa wakas ang bagong ligang Filipino Basketball League ( FILBASKET) na sisiklab bukas, Oktubre 20 sa Taal Country Club sa Laurel, Batangas via bubble set up.
Ito naman ay pinaghahandaan na ng mga kumpirmadong kalahok na sasabak sa panibagong cage battlefield kabilang na ang MPBL Lakan Cup reigning champion Davao Occidental COCOLIFE Tigers.
Isang champion caliber na koponan ang muling sisingasing ang bangis sa arena ng bagong FILBASKET dahil ang mga Tigers ay binubuo ng mga subok nang beterano at bagito pero palabang manlalaro na namayagpag na sa mga giyera ng amateur/commercial basketball league sa bansa.
Bukod din sa pagdating ng mga subok sa lupet na taong labas na walang patawad pagdating sa rainbow territory.
Ang kampeong koponan mula Mindanao na pag-aari nina Davao Occidental Governor Claude Bautista at Congresswoman Claudine Bautista Lim at suportado nina COCOLIFE president Atty. Jose Martin Loon, SVP Joseph Ronquillo, VP Rowena Asnan at EVP Franz Joie Araque ay binubuo ng mga pioneer at beteranong sina Joseph Terso, BonBon Custodio, Billy Robles, Kieth Agovida, Robby Celiz, Emman Calo, Marco Balagtas, Chester Saldua, Gab Dagangon, Chris Lalata , Irven Palencia, Jerwin Gaco Alwin Alday, Allan Santos at ang pagpasok ng subok na gunners na si John Wilson at Paulo Hubalde sa timon nina coach Matt Makalintal, deputies Manu Inigo at scouting coach Jose Presbiterio habang si Bhong Baribar ang operations head.
“Buti na lang naka-adjust na tayo sa bagong head coach natin. All efforts lahat para sa team. Hear us roar once more”, ani asst. team manager Ray Alao.
“Davao Occidental COCOLIFE Tigers will continue it’s winning tradition”, mensahe ni SVP Ronquillo sa kanilang koponang itinuturing na team to beat sa FILBASKET.
“Matapos ang mga serye ng virtual training ng Tigers natin ay handa na sila sa physical scrimmages in observance with the health protocol na ipinatutupad ng kinauukulan.Narito lang kami para sa suporta, ” pahayag naman ni team manager Dinko Bautista.
More Stories
MGA BAGYONG PASUGAL SA CAVITE
Mga leader ng bansa dapat mahiya sa mga Pilipino, walang tigil sa bangayan!
Hen. Antonio Luna, Dangal ng Lahing Pilipino