HANDA nang sumabak sa panibagong cage war zone -ang MPBL Lakan Cup reigning champion Davao Occidental COCOLIFE Tigers sa bagong tatag na Filipino Basketball League (FILBASKET)na sasambulat sa susunod na buwan ng Setyembre.
Isang mabalasik na koponan ang muling sisingasing ang bangis sa arena ng bagong FILBASKET dahil sa ang mga Tigers ay binubuo ng mga subok nang beterano at bagito pero palabang mandirigma na subok na sa mga giyera ng basketball sa bansa.
Ang kampeong koponan mula Mindanao na pag-aari nina Davao Occidental Governor Claude Bautista at Congresswoman Claudine Bautista Lim at suportado nina COCOLIFE president Atty. Jose Martin Loon, SVP Joseph Ronquillo, VP Rowena Asnan at EVP Franz Joie Araque ay binubuo nina:
Captain Ball Mark Yee
Co Capt Joseph Terso
BonBon Custodio
Billy Robles
Kieth Agovida
Robby Celiz
Emman Calo
Marco Balagtas
Chester Saldua
Gab Dagangon
ChrisLalata
Jose Presbitero
Alwin Alday
Irven Palencia
Dariel Bayla sa timon nina coach Don Dulay at deputies Manu Inigo, Matt Makalintal at Arvin Bonleon habang si Bhong Baribar ang operations head at si Dinko Bautista “Hear us roer once more”,ani asst.team mgr.Ray Alao.
“Davao Occidental COCOLIFE Tigers will continue it’s winning tradition”, pahayag naman ni SVP Ronquillo .
More Stories
MGA MAYOR SA RIZAL SUPORTADO SI CHAVIT SINGSON
MGA BAGYONG PASUGAL SA CAVITE
Mga leader ng bansa dapat mahiya sa mga Pilipino, walang tigil sa bangayan!