
Nakatanggap ang Davao City local government unit ang ambulance unit mula sa Pitmaster Foundation upang mapalakas ang medical emergency at COVID-19 response ng lungsod.
Personal na dinaluhan ni Mayor Inday Sara Duterte ang turn-over ceremony kung saan isang ambulansiya ang personal na ibinigay ng Pitmaster sa LGU.
Ayon sa alkalde, malaking tulong ang bagong ambulansya sa pagtugon ng lokal na pamahalaan hindi lamang sa nararanasang pandemya kundi sa iba pang medical emergencies sa lungsod.
Sa kasalukuyan, nasa 32 lamang ang aktibong kaso ng COVID-19 sa Davao City.
More Stories
Droga itinago sa ari ng ginang (Tinangkang ipuslit sa New Bilibid Prison)
VICO SOTTO SA UMANO’Y PANINIRA NI SARAH DISCAYA: ‘OH COME ON’
KRIMEN SA C. LUZON BUMABA DAHIL SA KAMPANYA VS LOOSE FIRE ARMS