Napatay ang isang lider ng Dawlah Islamiyah sa isinagawang police operation sa Lanao del Sur nitong Lunes ng umaga.
Ayon kay PNP chief General Debold Sinas, kinilala ang nasawi na si Usop Nasif alyas Abu Asraf, tinaguriang DI-ISIS Lanao sub leader at No. 2 man ni Abu Zacaria.
Isisilbi sana ng mga pulis ang warrant of arrest laban sa suspek na kilalang si Abu Asraf na nahaharap sa kasong frustrated murder at murder sa Barangay Guimba, Marawi City pero nanlaban daw ito sa mga pwersa ng gobyerno dahilan kaya umigting ang mainit na sagupaan.
Tumagal ng 30 minuto ang palitan ng putok sa magkabilang panig kung saan pitong pulis at isang Army officer ang nasugatan na agad isinugod sa ospital sa Marawi City.
Dinala pa sa Amai Pakpak Medical Center si Abu Asraf pero idineklarang patay.
Habang nasugatan din ang kanyang asawa na kinilalang si si Khalil Mufliha.
Nakuha naman sa pinangyarihan ng engkwentro ang isang Glock 17 pistol, mga pampasabog at isang unit ng motorsiklo.
More Stories
DOF: RECTO NAKAKUHA NG STRONG AI INVESTMENT INTEREST SA WEF
COMELEC IPINAGPATULOY PAG-IMPRENTA SA MGA BALOTA (Matapos ang ilang ulit na pagkaantala)
MPD, MAGPAPATUPAD NG ‘ROAD CLOSURES’ PARA SA PAGDIRIWANG NG CHINESE NEW YEAR