General Trias City, Cavite – Arestado ang isang dating pulis na ngtutulak ng iligal na droga at itinuturing din na isa sa mga High Value Individual (HVI) matapos na masakote ng mga operatiba ng Drug Enforcement Unit ng General Trias City police station at ng Regional Intelligence Division (RID4A) sa isinagawang drug buy-bust operation bandang alas-5:45 ng hapon kahapon sa Brgy. Sampalucan ng nasabing bayan.
Kinilala ang suspek na si dating Patrol Man Reynaldo Mamburao Jr. alyas “Jun”, 35, residente sa parehong lugar at dating nakatalaga sa Rosario Municipal police station sa Cavite.
Batay sa inisyal na report ni Police Staff Sargeant Mark Christian Capili na may hawak ng kaso na ipinadala sa opisina ni Cavite Police Provincial Director PCol. Marlon Santos, nakipagtransaksyon ang isang pulis ng DEU sa suspek na nagpanggap na poseur buyer sa dating kabaro para bumili ng isang plastic sachet ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng dalawang daan piso (P200.00.) at ng magpositibo ang bilihan ng droga ay agad ng nagpakilala ang pulis sa suspek at ito ay pinosasan. Pansamantalang naka ditine ngayon ang suspek sa General Trias City Lock up cell habang inihahanda ang mga kasong paglabag sa sec.5 at sec. 11 ng RA 9165 o Dangerous Drugs Act. of 2002 sa dating pulis na suspek. (Ulat ni Koi Hipolito)
More Stories
MGA MAYOR SA RIZAL SUPORTADO SI CHAVIT SINGSON
6 tulak, nadakma sa higit P.2M shabu sa Navotas
Higanteng Christmas tree sa Araneta City pinailawan