Kinabitan na ng medical ventilation si dating Pangulong Joseph ‘Erap’ Estrada matapos lumala ang kondisyon nito habang nasa ICU dahil sa COVID-19.
Isinugod sa pagamutan ang dating pangulo noong Marso 28 dahil sa panghihina ng katawan. Kinalaunan ay kinumpirma ng kaniyang pamilya na nagpositibo ito sa COVID-19.
Makaraan ang isang linggo, ibinahagi ng kaniyang anak na si dating Senador Jinggoy Estrada nitong Linggo, Abril 4, na inilipat sa ICU si Erap upang tulungan itong makahinga at turukan ng sedative.
Nitong Martes ay muling nagbahagi si Jinggoy ng update sa kalagayan ng kaniyang ama. Ayon kay Jinggoy, lumala ang kondisyon ni Erap kaya kailangan itong kabitan ng ventilator.
“Yesterday, my father’s condition suffered a setback as his pneumonia worsened. Because of this and the resulting increase in oxygen requirement, his doctors decided to place him on mechanical ventilation,” ayon sa medical bulletin update ni Jinggoy.
“This was done to improve oxygen delivery as well as to prevent the tiring of his respiratory mechanism,” dagdag pa ng panganay na anak ni Erap.
Dahil dito, patuloy na humihingi ng panalangin sa publiko ang pamliya Ejercito para sa paggaling ng kanilang padre de pamilya.
“My father has always been a fighter and I hope that with the help of your prayers he will win this battle. Pls continue praying for his immediate recover,” wika pa ng dating senador.
Noong isang araw ay pinabulaanan din ng dating mambabatas na yumao na ang Ejercito patriarch ang kumalat na balita tungkol dito.
Wala umano itong katotohanan at patuloy pang nakikipaglaban sa sakit ang 83-anyos na dating aktor, alkalde ng San Juan City, senador, bise-presidente, presidente at alkalde ng Lungsod ng Maynila.
More Stories
DIGONG TATAYONG ABOGADO NI VP SARA VS IMPEACHMENT
Christmas holiday: BI nagtala ng halos 190,000 na mga biyahero sa mga paliparan
Sharks Billiards Association inaugural season… TAGUIG STALLIONS ANG KAMPEON