Ipamamalas ni dating NBA star Nate Robinson ang kanyang talento sa boksing. Katunayan, uupak ang three-time Slam Dunk Contest Champion kontra Youtube star Jake Paul.
Ang boxing match ng dalawa ay bahagi ng undercard sa eight-round exhibition match ng Tyson-Jones Jr sa September 12.
Ang pagsampa ni Robinson sa lona sa nasabing petsa ay siyang boxing debut niya, samantalang si Paul ay susuntok naman sa ikalawang pagkakataon.
Sa unang salang ni Paul, nanalo ito via TKO kontra fellow YouTube star AnEsonGib noong Enero 2020.
“I wanted to show that I’m a world class athlete,” pahayag ni Robinson kay Shams Charania ng The Athletic.
Gumugol ng 12 seasons si Robinson sa NBA at naglaro sa walong teams. Kabilang na rito ang New York Knicks, Boston Celtics at Denver Nuggets.
Ang 5’8 guard ay nilambat ng Knicks bilang No.21 pick noong 2005 NBA Draft pagkatapos ng stellar three-year career sa University of Washington.
More Stories
Marubdob na trabaho sa POC mas taimtim sa bagong taong 2025 – Tolentino
CONVERGE MAGKASUNOD ANG PANALO
SBA Championship Week Game One… MANILA’S FINEST NIYANIG ANG TAGUIG!