MULING bumagsak sa loob ng rehas na bakal ang isang lalaki na dating nakulong dahil sa kasong murder matapos makuhanan ng patalim at marijuana makaraang masita ng mga pulis dahil sa hindi pagsuot ng face mask sa Valenzuela City, kamakalawa ng hapon.
Kinilala ni Valenzuela Police Sub-Station 6 commander PLT Armando De Lima ang naarestong suspek bilang si Arjon Lantayao, 23 at residente ng Bancal, Meycauyan Bulacan.
Ayon kay PCpl Glen De Chavez, dakong alas-5:40 ng hapon, nagsasagawa ng anti-criminality operation “Oplan Galugad” si PSMS Roberto Santillan ng PSB, Malanday SS-6, kasama ang mga tanod ng Brgy. Malanday sa Riverside ng naturang barangay nang mapansin nila ang suspek na naglalakad at walang suot na face mask na malinaw na paglabag sa ordinansa ng lungsod.
Nang sitahin ni PSMS Santillan para isyuhan ng ordinance violation receipt (OVR) ay kumaripas ng takbo ang suspek na naging dahilan upang habulin siya ng arresting officer at mga tanod hanggang sa makorner at maaresto.
Nang kapkapan, narekober kay Lantayao ang isang patalim at dalawang glass tube na may laman ng hinihinalang pinatuyong dahon ng marijuana kung ayon kay PSMS Santillan, dating nakulong ang suspek dahil sa kasong murder.
Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002, BP No. 6 in Relation to Comelec Resolution No. 10728 and ART 151 of RPC.
More Stories
LEO FRANCIS MARCOS, INATRAS KANDIDATURA
Galvez sa MILF: Magsagawa ng imbestigasyon… 4 PATAY KABILANG ANG 2 SUNDALO, 12 IBA PA SUGATAN SA PANANAMBANG SA BASILAN
CIDG ‘KOLEKTONG ISYU’ MATULDUKAN NA KAYA?