
Pumanaw na ang dating nakalaban ni Sen Manny Pacquiao na si Lehlo Ledwaba. PUmanaw ang 49-anyos na South Arican boxer dahil sa COVID-19.
Binawian ng buhay si Ledwaba habang isinusugod sa ospital ayon sa ulat ng Supersport. Naging pro boxer si Ledwaba noong 1990. Nagtala ito ng record na 36 wins, 6 losses at 1 draw at 23 knockouts.
Tangan nito noon ang IBF super bantamweight title mula May 1999 hanggang June 23, 2001. Nahablot sa kanya ni Pacquiao ang belt via stunning victory.
Ang laban ni Pacquiao kay Ledwaba ay kauna-unahan niya sa US. Naging replacement fighter lamang siya, 2 linggo bago ang laban. Umatras kasi ang orihinal na katunggali ni Ledwaba.
Sa pagkapanalo ni Pacman kay Ledwaba, dito na nagsimula ang kanyang super stardom sa boxing. Malungkit naman ang pamiya ng boxer sa nangyari. Kung saan, magdiriwang sana si Ledwaba ng ika-50 taong kaarawan sa July 27.
More Stories
“Pasig Deserves Better: Mas Mura, Mas Marami, Mas Makatao”
RCBC ATM Go, Magiging Bukas na sa Foreign Tourists: Mga Sari-Sari Store, Gagawing Mini-Bank sa Mga Tourist Spot
Pia Cayetano misyong palaganapin ang sport na padel sa buong bansa