Rumekta na si dating Memphis Grizzlies head coach Dave Joerger sa staff ng Philadelphia 76ers. Kung kaya, makakasama niya ang bagong head coach nito na si Doc Rivers.
Naging coach din si Joerger ng Sacramento Kings at isa sa napipisil na maging next coach ng Indiana Pacers.
Gayunman, mas pinili nitong samahan si River sa Sixers. Si Joerger ay mahusay na Xs at Os coach. Napalalakas nito ang mahihinang teams.
Kailangan aniya ng 76ers nang gayung creativity. Sa gayun ay gumana ang plays nina Joel Embiid at Ben Simmons.
“My teams have always been very good offensively, in the top five overall. And we score points, and we score points in a lot of different ways,” sabi ni Rivers sa introductory press conference.
‘We’ve got Ben that scores points, we have Joel, we have Tobias (Harris), we have Shake (Milton), we have Josh (Richardson).’ This team’s loaded with talent and we’ve just gotta figure out how to make it work the best.
‘But just looking at the numbers, when [Embiid and Simmons] play together they win 65 percent of the games that they play in. That’s a good thing,” aniya.
Nais ni Rivers na maging kagaya ng Lakers ang Philadelphia. Kung saan ginamit ang versatile players akma sa modern game.
Ang pagkakadagdag ni Joerger sa team ay malaking tulong sa offensive end.
More Stories
BAGONG TATAG NA TARLAC CHAPTER & GYM KAAGAPAY SI SIKARAN OFFICIAL MASTER CRISANTO
Women’s basketball pagigilasin ng MPBA
AFAD Defense and Sporting Arms Show ikinàsa na sa SMX Pasay, Sen. JV Ejercito at CSG Maj. Gen. Francisco dumalo