Sa gitna ng Coronavirus pandemic, nag-eenjoy sa bagong libangan si dating football superstar David Beckham. Ito’y ang pag-aalaga ng mga bubuyog at paglilinang ng honey bee.
Katunayan, ipinakita ni Beckham sa kanyang Instragram story ang kanyang mga alagang bubuyog na gumagawa ng honey— sa kanyang ginawang beehive sa hardin kanyang £6million Cotswolds home.
Ang nasabing lockdown project ng 45-anyos na si Beckham ay inihayag ni kanyang misis at dating miyembro ng all-girl British group na ‘Spice Girls’ na si Victoria Adams-Beckham; na siyang kumuha ng larawan habang abala sa pagmamasid ng beehive. Nakasuot ng full protective gear, kabilang ang gloves at mask si Beckham habang tuwang-tuwa sa kanyang mga bubuyog.
Nitong nakaraang buwan, tinanong ng kanyang misis si Beckham na ang pagiging abala ba niya sa paglilinang ng pulot-pukyutan ang siyang bago nitong proyekto; sinagot niya ito.
“Is that your new project darling?”
“It is” while fixing his new contraption together,” ani Beckham.
Sa kanyang bagong pinagkakabalahan, sinuportahan si Beckham ng kanyang mga anak; na sumama na rin sa paglilinang ng bahay-pukyutan at pag-aalaga ng mga bubuyog na lumilikha ng honey bee.
More Stories
UAAP: ATENEO TINALO ANG DATING UNDEFEATED NA UP MAROONS
Pinoy vs Mexicano-Pinoy vs Nigerian… DOUBLEHEADER SA PHL ENCUENTRO C’SHIP SA MAKATI CITY
Del Rosario muling nagwagi ng korona sa WNCAA taekwondo