Pumanaw na si dating volleyball veteran coach Ron Dulay kahapon sa edad na 48. Mahabang panahon ding nakipagbuno si Dulay sa bone marrow disease.
Bilang pagbibigay respeto sa coach, nakiramay ang ilang Ateneo volleybelles. Isa na rito si Gretchen Ho. Gayundin si Jem Ferrer.
“Maraming salamat, coach Ron Dulay sa pagiging tulay upang makapag-aral at makapaglaro ako sa Ateneo,” ani Ferrer sa Twitter post.
Si Dulay ay dating player ng FEU at nag-coach sa DLSU men’s team na nagkampeon noong 2001 at 2003.
Naging mentor din siya ng women’s team ng Ateneo, UP at Letran. Inakay niya ang Ateneo sa unang pagtuntong sa Final Four noong 2007.
Sa semi-pro scene naman, baging bahagi ng Foton at Generika-Ayala coaching staff si Dulay sa PSL. Kalauna’y naging head coach siya ng Smart Giga Hitters noong 2008. Naging assistant coach din siya ng Marinerang Pilipinas.
“He has been a great coach, friend, and father to many in the volleyball community,” saad ng Marinerang Pilipinas sa kanilang FB account.
More Stories
Matinding hamon kina GM Laylo at Dableo ang Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge sa Peb. 2
Kampanya ng Filipinas sa 2025 AFC Women’s Futsal Asian Cup natapos na
2025 Sta. Maria Town Fiesta Chess Challenge susulong sa Peb. 2