September 20, 2024

DARREN ESPANTO INOPERAHAN DAHIL SA APPENDICITIS

Isang “plot twist” ang naranasan ng Kapamilya singer-actor na si Darren Espanto matapos siyang biglaang atakehin ng appendicitis habang nasa flight papuntang Manila.

Sa pamamagitan ng kanyang Instagram Stories, nagbahagi si Darren ng update sa kanyang kalagayan, kung saan makikitang siya ay papunta na sa operating room.

“From the airport to the hospital. Sabi sa inyo, grabeng plot twist nangyari sakin eh. Appendicitis suddenly hit during my flight back to Manila. Was supposed to be back on Showtime today but emergencies happen talaga,” ani Darren sa kanyang post, na nagpapahayag ng kanyang pagkadismaya dahil hindi siya natuloy sa kanyang nakatakdang pag-appear sa “It’s Showtime.”

Dahil sa biglaang operasyon, kinailangan ding kanselahin ni Darren ang kanyang mga naka-iskedyul na events at shows sa mga susunod na araw.

“To the producers of the shows I was supposed to be part of in the next few days, I am so sad to have to cancel so last minute. I hope to work with y’all soon parin po! Thank you for understanding!” dagdag pa niya, na nagpapakita ng kanyang panghihinayang sa mga hindi matutuloy na proyekto.