
KAHIT anung gawing panunuyo at pagsumamo ni Daniel Padilla kay Kathryn Bernardo ay walang epekto sa mga Bernardo.
E kasi naman wala na raw talagang planong makipagbalikan si Kathryn kay Danniel. Awtsu!
Ayon sa aking mapagkakatiwalaang source na si Miss Bubuwit, noong una nagwalwal si Daniel at pilit na nagsusumamo kay Kathryn na bigyan pa siya ng isa pang pagkakatap. Pero bigo si Daniel, kaya dinaan n’ya na lang sa pagmumukmok at pag-iyak.
Ngayon naman daw ay pinagpupunit at sinunog ng aktor ang picture ng dati niyang karelasyon na si Kathryn.
Siguro’y dahil balewala na talaga siya kay Kathryn kaya ganoon na lamang ang naging wild reaction niya.
Aminado naman si Daniel na kasalanan naman niya kung bakit ganoon ang naging sitwasyon.
More Stories
Villar Sinimulan ang Kanyang Congressional Bid sa Pamamagitan ng Misa
2 HVIs drug suspects, tiklo sa P1.3M shabu sa Caloocan
Sulong sa panibagong Las Piñas!