September 28, 2024

DANIEL PADILLA, POKUS MUNA SA TRABAHO AT NEGOSYO

UMALMA na si Ms. Karla Estrada sa mga batikos ng mga bashers sa kanyang anak na si Daniel Padilla.

Itinanggi ni Ms. Karla, ang mga naglabasang mga haka-haka tungkol sa kanyang anak na may bagong babae na ito.

“Wala, kung meron naman maitatago ba iyon sa inyo? Sa ngayon pokus si Daniel sa kanyang showbiz career, naghahanda na sila sa kanyang mga projects at isa na diyan ang bagong serye sa ABS-CBN Studios.   “Magsasamasama sila nina Richard Gutierrez, Ian Veneracion, at Enrique Gil sa isang series sa telebisyon. D’yan busy ngayon ang anak ko, pero lihim pa rin ang lahat ng detalye naglabas lang ako ng pwede ninyong malaman.

“At hindi naman nagmamadali ang anak ko sa bago niyang pag-ibig, mas pinili niya sa ngayon ang mag-pokus sa kanyang trabaho at negosyo.” Salaysay pa ni Karla Estrada.