January 23, 2025

DANGAL NG PANITIKAN 2024

1. Ang Gawad Dangal ng Panitikan ay ang mataas na pagkilála sa naiambag sa panitikang Pilipino o lifetime achievement award. Binibigyang-pagpupugay nitó ang natatanging manunulat na nagpakita ng pagpapahalaga sa kultura, kaakuhan, at kayamanang pamana, bukod sa pambihirang pagkasangkapan sa Filipino at ibá pang wikang panrehiyon o panlalawigan.

2. Bukás ang nominasyon sa mga institusyon at/o manunulat—laláki man o babae—na nakapag-ambag sa pagpapayaman ng panitikan ng Pilipinas. Ang mga ambag ay dapat na nagpapakita ng pagpapahalaga sa kultura, kaakuhan, at kayamanang pamana, bukod sa pambihirang pagkasangkapan sa wikang Filipino.

3. Pára sa mga indibidwal, kinakailangang may gulang na hindi bababâ sa apatnapung (40) taón. Pára sa mga samahán, tanggápan, ahensiyang pampamahalaán, at/o pribadong sektor, kinakailangang naestablisa nang hindi bababâ sa limang (5) taón.

4. Mayroong katipunan ng mga akda o gawaing nakapag-ambag sa panitikang Pilipino at mga katutubong wika ng Pilipinas (kinakailangang ilakip sa nominasyon bílang pruweba.)

5. Ang mga nominado ay marapat na manggaling sa rekomendasyon ng indibidwal o pangkat mula sa labas ng KWF.

6. Pára sa nominasyon, ihanda ang sumusunod na kompletong dokumento:

6.1 KWF Pormularyo sa Nominasyon; https://docs.google.com/…/1gNnzYtTICNJpCFAaiP5vW3m…/edit

6.2 Liham nominasyon na nagsasaad ng buod ng kalipikasyon ng nominadong indibidwal o samahán at nilagdaan ng nagnomina;

6.3 Curriculum vitae (kung indibidwal) o profayl ng organisasyon (kung samahán); at

6.4 Mga pruweba sa katipunan ng mga akda na nagpapakita ng pagpapahalaga sa kultura, kaakuhan, at kayamanang pamana, bukod sa pambihirang pagkasangkapan sa wikang Filipino.

7. Ilagay sa isa o higit pang long brown envelope ang mga tinukoy sa bílang 6 at ipadalá sa adres na nása ibaba:

Lupon sa Gawad Dangal ng Panitikan 2024

Komisyon sa Wikang Filipino

2/P Gusali Watson, 1610 Kalye J.P. Laurel

San Miguel 1005, Lungsod Maynila

8. Ang hulíng araw ng pagpapása at pagtanggap ng nominasyon ay sa 2 PEBRERO 2024, 5:00 nh.

9. Ang tatanghaling Dangal ng Panitikan 2024 ay tatanggap ng naturang gawad sa iginagayak na programa ng KWF sa Araw ni Balagtas, 2 Abril 2024.

10. Pára sa ibá pang detalye, tumawag o mag-text sa 0928-844-1349 o magpadalá ng email sa [email protected].