Ibang klase ang ating kababayan na si Dane Bautista dahil parang bahagi na siya ng sikat na anime noong 90’s. Nag-viral ang kanyang post sa Facebook. Kung saan ay pinuntahan at tinambayan niya ang live railroad crossing.
Ang nasabing railroad ay hinango sa opening credits ng anime na ‘Slam Dunk’. Ito ay talagang umiiral at matatagpuan sa Enoden line sa Kamakura City, Kanagawa, Japan.
“One childhood bucketlist achieved!” galak na sabi ni Dane sa kanyang post.
Ayon kay Dane, talagang fan siya ng Slam Dunk sapol noong siya’y nasa Elementary. Malaki ang naging bahagi nito sa kanyang childhood.
Si Dane ay nasa Japan dahil nag-aaral siya sa Yokohama National University. Tinatapos niya roon ang Masters program niya.
Kasalukuyang nasa Japan si Dane bilang estudyante para tapusin ang Masters program niya sa Yokohama National University.
More Stories
Pelikulang Restored na ‘Bulaklak sa City Jail’, Nasa YouTube na!
Ang Enero ay Pambansang Buwan ng Biblia
Manuel A. Roxas, Natatanging Lingkod Bayan