November 5, 2024

Danao sa mga gun dealers: Maging responsable

PINAALALAHANAN ni Philippine National Police (PNP) Officer-in-Charge, Police Lieutenant General Vicente Danao Jr. ang asosasyon ng mga nagbebenta ng baril na tiyaking sa mga responsableng gun holders mapupunta ang mga produktong armas at mga bala.

Ginawa ni Danao ang pahayag sa inilunsad na Defense and Sporting Arms Show (DSAS)  ng Association of Firearms & Ammunitions Dealers of the Philippines, Inc. o AFAD sa Mandaluyong City.

Ang naturang event na tatagal ng limang araw o hanggang Hulyo 18, ay dinaluhan din ni Dating PNP Chief Senator Bato Dela Rosa at iba pang matataas na opisyal ng PNP kabilang si PMGeneral Val De Leon, ang director for operation ng pambansang pulisya

Sa kanyang panig, pinayuhan ni Dela Rosa si Pangulong Ferdinand Marcos Jr na humirang ng mamumuno sa PNP na may “balls” o paninindigan sa mga bibitawang desisyon kabilang na dito ang giyera laban sa bawal na droga.

Pinayuhan din ng Senador ang mga bumubuo sa AFAD na tiyaking sa depensa at palakasan magagamit ang mga armas at bala.