Nakatakdang sumalang sa isang boxing match si Floyd Mayweather Jr, 43. ito ay idaraos sa June 6 kontra sa Youtuber na si Logan Paul, 25-anyos.
Ang bakbakan ay isang exhibition match sa Hard Rock Stadium sa Miami. Kaugnay dito, heavy favorite si Floyd na Manalo sa laban.
Kahit 5’8 lang ang taas nito kumpara sa 6’2 na si Paul, liyamado ang tinagurisang ‘The Money’.
Marahil dahil sa 20 years experience nito bilang pro boxer.
“Let’s be honest, there will be only one winner. Mayweather will surely win via KO – with the only question how long it will take him,” ani Dave Chaser ng The Sun.
Sa panig naman ni UFC president Dana White, pinili nito si Mayweather na mananalo sa laban.
“Listen, I understand. These kids want to make some money and they do what they got to do. And they say what they got to say to try to get in there and make money.”
“This is gonna be such a one-sided, ridiculous a**-whooping, it’s not even going to be funny. It’s going to be bad,” saad ni White.
Si Logan ay kapatid ni Jake Paul na humahamon noon kay Conor McGregor.
Inasar ni Jake ang Irish fighter nang matalo ito. Katunayan, ginaya pa nito ang siste ni McGregor sa pamamagitan ng memes nang ma-KO Dustin ni Poirier sa Round 2.
“Fair pay to them, fair play to the Logan guy getting in with Floyd,” ani McGregor.
“I’m excited to see how that goes. Floyd looks a bit fat to me, man. It’s a mad little scene at the minute, but I’m not against it,” aniya.
More Stories
BAGONG TATAG NA TARLAC CHAPTER & GYM KAAGAPAY SI SIKARAN OFFICIAL MASTER CRISANTO
Women’s basketball pagigilasin ng MPBA
AFAD Defense and Sporting Arms Show ikinàsa na sa SMX Pasay, Sen. JV Ejercito at CSG Maj. Gen. Francisco dumalo