
Tunay na mahal ni Damian Lillard ang mga Pilipino at ang bansang Pilipinas. Katunayan, nagdonate ang Portland TrailBlazers star guard ng P1-million.
Ang nasabing halaga ay tulong para sa re-building ng Philippine General Hospital. Ibinigay ni Lillard ang halaga sa isinagawang NBA Cares Community Assists Award.
Kung matatandaan, nasunog ang ilang bahagi ng PGH noong May. Sa awa ng Diyos, walang nasawi o nasaktan sa nasabing trahedya.
Ang donation drive ng aktres na si Yassi Pressman ang nakatanggap ng pera mula kay Lillard.
“Huuuuuge thanks to big brother Damian Lillard for sending over such a generous amount, kahit na wala siya sa Pilipinas, just to be able to help,” saad ni Pressman sa kanyang Instragram account.
Sina Lillard at Yassi ay kapwa ambassador ng Adidas. Ikinasa ni Yassi ang drive matapos bisitahin ang PGH noong nakaraang linggo.
More Stories
UAAP: ATENEO TINALO ANG DATING UNDEFEATED NA UP MAROONS
Pinoy vs Mexicano-Pinoy vs Nigerian… DOUBLEHEADER SA PHL ENCUENTRO C’SHIP SA MAKATI CITY
Del Rosario muling nagwagi ng korona sa WNCAA taekwondo