Balitang NBA
Inilabas na ng NBA ang mga kabilang sa 2020-21 All NBA teams. Na kung saan ay kinilala ang mga mahuhusay na players ng liga sa lahat ng attributes.
Kasama sa First Team sina Nikola Jokic, Giannis Antetokounmpo at Stephen Curry. Gayundin sina Luka Doncic at Kawhi Leonard.
Bumandera naman sa Second team sina Chris Paul, Damian Lillard at Joel Embiid. Sinamahan sila nina Julius Randle at LeBron James.
Nakabilang naman sa Third sina Kyrie Irving, Bradley Beal at Rudy Gobert. Kasama rin sina Jimmy Butler at Paul George.
oOo
Nagpahayag sina Damian Lillard at Draymond Green na maglalaro sila sa Team USA para sa Tokyo Olympics. Sinundan naman ito ni Boston Celtics star Jayson Tatum.
Ayon sa source, hinihilot din na maglaro sa US national basketball team si Bradley Beal ng Washington Wizards. Ilabas ang ull roster line-up ng team sa katapusan ng June.
Kaugnay sa olympics, maaari nang magpakondisyon ang mga players na maagang nagbakasyon. O nalaglag na agad sa playoffs ang kanilang team.
Magsisimula ang training camp ng US team sa July 6 sa Las Vegas. Kug saan, si San Antonio Spurs coach Gregg Popovich ang magtitimon sa team.
Tatangkain ng US na sungitin ang kanilang fourth consecutive gold medal. Naghari ang US sa 2008, 2012 at 2016 Olympics.
More Stories
BAGONG TATAG NA TARLAC CHAPTER & GYM KAAGAPAY SI SIKARAN OFFICIAL MASTER CRISANTO
Women’s basketball pagigilasin ng MPBA
AFAD Defense and Sporting Arms Show ikinàsa na sa SMX Pasay, Sen. JV Ejercito at CSG Maj. Gen. Francisco dumalo