Nakiusap si Pasig Mayor Vico Sotto sa publiko na huwag na siyang padalhan sa social media ng larawan ng pagbabakuna sa puwet.
Paliwanag ni Mayor Sotto, marami na siyang inisip na problema ng lungsod sa COVID-19 pandemic at hindi nakatutulong ang pagpapadala ng larawan ng puwet ng tao.
“Minsan may nagpapadala sa akin – dalawa na ata – picture nila, binabakunahan sa puwet. Normal yan, medikal naman ang usapan pero pakiusap huwag niyo na po isend sa akin.” pakiusap ng alkalde.
“Ang dami ko na pong iniisip, ‘wag niyo na po idagdag yung puwet ninyo sa iniisip ko.” giit pa niya. Bukod sa pagbabakuna, abala ngayon ang city government ng Pasig sa pamamahagi ng financial assistance na nanggaling sa national government.
More Stories
Para sa kabataan, Sexuality Education suportado ng DepEd
Cotabato City mayor, 4 iba pa, kinasuhan ng pandarambong
P10.5-M ALAHAS, GADGETS AT PERA NILIMAS NG MGA NAGPANGGAP NA GOV’T EMPLOYEE SA LAGUNA