Sinagot ni Vice President Sara Duterte ang mga tirada laban sa kanya ni First Lady Liza Araneta-Marcos.
Ayon sa bise presidente, bilang tao, may karapatan ang Unang Ginang na makaramdam ng sama ng loob at galit.
Pero ang personal na damdamin umano nito ay walang kinalaman sa kaniyang mandato bilang bise presidente.
“Mga kababayan, bilang tao, karapatan ni Unang Ginang Liza Marcos na makaramdam ng sama ng loob at galit. Subalit ang kanyang personal na damdamin ay walang kinalaman sa aking mandato bilang isang opisyal ng pamahalaan,” ayon kay VP Sara.
Kaya naman, idadaan nalang daw ang mga susunod na hakbang sa pribadong pag-uusap sa pagitan nila ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr.
Binigyang diin ni Duterte, na sa halip, bigyan nalang ng pansin ang mga suliraning hinaharap ng bansa.
“Dapat ay nakatutok tayo sa pagtugon sa mga suliraning hinaharap ng ating bansa. Patuloy ang pagtaas ng presyo ng pagkain at iba pang mga bilihin at ito ay mas nagpapahirap pa sa dinaranas na gutom o kawalan ng sapat na pagkain ng mahihirap nating kababayan.”
Kung matatandaan, inamin ni First Lady Liza Araneta-Marcos na sumama ang loob niya kay Vice President Sara Duterte dahil sa aniya’y hindi nito pagdepensa kay Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., laban sa mga atake ni dating pangulong Rodrigo Duterte.
Nasaktan umano siya nang dumalo ang Bise Presidente sa isang rally kung saan inakusahan ng ama nito na si dating pangulong Rodrigo Duterte si President Marcos Jr na “bangag”. Sumama ang loob ng Unang Ginang nang makita niyang natawa si VP Sara Duterte sa sinabi ng dating Pangulo.
Dagdag pa rito, sinabi rin ni First Lady Liza Araneta-Marco na sinadya niyang isnabin ang bise presidente sa ilang okasyon para iparating ang kanyang sama ng loob. Pero kahit bad shot na raw ang bise presidente sa kanya, puwede pa rin daw maplantsa ang relasyon nila.
More Stories
SUV SA VIRAL VIDEO GUMAMIT NG PEKENG “7” PROTOCOL PLATE – TULFO
BAGYONG MARCE NAGBABANTA SA LUZON (Matapos ang hagupit nina Julian, Kristine at Leon)
PINOY PADDLERS DAPAT WALANG PUKNAT ANG PROGRAMA SA INTERNATONAL NA EKSENA – ESCOLLANTE