December 24, 2024

Dallas Mavericks, pinasabog ng Houston Rockets

LAKE BUENAVISTA, Fla. (AP)—“Huli man daw at magaling, naihahabol din.”

Akma ang kasabihang ito sa ginawang pagpapasabog ng Houston Rockets (41-24) sa Dallas Mavericks (40-28), 153-149 sa second day game ng NBA restart.

Bumida sa overtime win ng Rockets si James Harden na nagtala ng 49 points. Nagdagdag naman ng 31 puntos si Russell Westbrook. Huling dumating si Westbrook sa laro dahil kagagaling lang nito sa COVID-19.

”Our confidence defensively was building, especially in that fourth quarter,” ani Harden.

”We kept pushing the tempo, kept fighting.”

Mula first quarter, lamang ang Mavs sa Rockets. Nakahabol ang huli sa fourt quarter. Naging dikit ang laban hanggang sa huling 2 minuto.

Lamang ang Mavs, 139-136 hanggang sa makasungkit ng foul si Harden. Bagama’t sumablay ang isa sa free throw nito, na tip-in naman ni Robert Covington ang mintis.

Nauwi sa overtime ang laro sa iskor na 139 all. Mula rito, hindi na pinaporma ng husto ng Rockets ang Mavs.

Gumawa naman ng 39 points at 13 boards si Kristapz Porzingis sa Mavs. Habang si Luca Doncic naman ay kumada ng triple-double na may 28 puntos, 13 boards at 10 assists.

‘This is a tough loss,” ani Dallas coach Rick Carlisle.

”This is about as tough as it gets, and it just comes down to basic execution.”

Naging aral naman kay Doncic ang pagkatalo sa Rockets.

”We’re a young team. We’ve got a lot to learn”.

 ”We’ll get better for sure. I know we’re going to get together when it matters most, so I’m not worried about that,” ani Doncic.